When Hatred Dissipates...

Ilang araw makalipas kong isulat ang entry na 'Broken', muli akong nagbukas ng friendster. Binisita ko ang profile na ipinagngingitngit ko. Wala na ang dating larawan na tinawag kong basura. pero may bago sa private photos. Humingi ako ng access at pinalitan ko ang message. Sumkinda like this ang nilagay ko "Wow mukhang malinis na a. Saan mo naman itinago ang basura mo ngayon? Sa private photos?" Inis pa din ako pero mas kalmado na kesa nung una. Naisipan kong maghanap ng HATE quotes para sa shoot out ko. Sa lahat ng nabuksan kong webpage, nadale ako. Sapul!

I shall never permit myself to stoop so low as to hate any man.
Author: Booker T. Washington

Hatred is self-punishment.
Author: Hosea Ballou

A man who lives, not by what he loves but what he hates, is a sick man.
Author: Archibald Macleish

You cannot hate other people without hating your self.
Author: Oprah Winfrey

Nun ko na-realize na kailangan ko na mag-move on. Kailangan na magpatawad. Pero gaya ng una ko nang sinabi, "forgive" lang; yung "forget",  forget it, dahil malayo yun sa hinagap ko. Naisip ko din na wala namang mangyayari kung patuloy akong magagalit. May nakapagsabi din saken na wala akong mapapala, hindi ko na kinakailangan pang makipag-away dahil nasa akin naman sya. Nagpadala ako ng message sa babaeng noon ay tinawag kong slut at whore sa previous entry. Humingi ako ng tawad sa pagsasalita ko ng masama...

Alam mo naman siguro na alam kong ikaw ang nagbukas ng friendster ni *toot* at ikaw din nag upload ng photos mo dun, inamin mo naman yun sa kanya di ba? Hindi na ‘ko galit, imagine-in mo na lang na sinasabi ko to sayo in a calm tone. Kaya kita minessage kasi gusto ko mag-sorry for being mean to you. Siguro naman alam mo sinasabi ko, nag-iwan ako ng comment sa profile ni *toot* na alam kong mababasa mo pag binuksan mo ule. Normally, hindi ako ganun. Parang si *toot*, as much as possible I try to be nice to everyone. Pero kasi dun sa nagawa mo, sadya man o hindi, pumutok ang fuse ko. Nabastusan ako, naoffend, nagalit. Hindi ako nakapag-vent out agad ng galit ko kaya meron pang aftermath and I was able to say some bad things nung pagbukas ko ng friendster ni *toot* e nandun pa din. I’ve been hating you, until I came across some hate quotes. Narealize ko na burden lang saken if I continuously despise you. Ayoko din ng ganung pakiramdam. Siguro nung time na ginawa mo yun, nagulo relationship namen, pero maayos naman na kame ngayon and I hope it stays that way. This will be the first and last time that you’ll hear from me. Wala na kong galit, wala na kong sama ng loob. I sincerely hope that you have a happy life. And for whatever its worth, I’m really sorry.  

Nakatulong yung pagsusulat ko ng previous entry. Nailabas ko sa mundo ang galit ko, kaya siguro mas naging madali para saken ang magpatawad. Salamat na din sa hate quotes na naging eye-opener para saken.

Ngayon, mas magaan ang loob ko. Wala na yung burden ng hatred. Oo nga sya ang unang nanakit pero may naging pagkakamali din ako at hindi naman nakakamatay ang paghingi ng sorry.

Tungkol naman sa relationship ko, maayos naman na. Mas maayos pa nga ngayon. Iniiwasan ko na din ang paglikot ng kukote ko, tinitigilan ko na ang pag-iisip ng kung anu-anu sa kanya. Napakaraming rason para iwan nya ko, napakadaming bagay na nakakapag-complicate samen pero nandyan pa din sya. Hindi pa din ako binibitawan. 

                            

Broken

Ewan ko ba kung bakit me mga taong sadyang makakapal ang mga mukha, na-confront na at lahat, namura na din, pero hindi pa din malinaw sa kanila na dapat na silang mag-back off.

Gaya na lang ng napaka-insensitive na relationship-wrecking slut na ibabahagi ko sa post na ito.

Kung totoong bestfriend ka, di ba dun ka sa ikakasaya ng bestfriend mo at hindi yung eepal epal ka para siraan yung relationship nya? Hindi porke alam mo ang password e bubuksan mo ang friendster account nya para ibalandra yung mukha mo dun, tas lalagyan mo pa ng caption using the possessive pronoun "ko", at hinding-hindi mo din papakialaman yung comments ng girlfriend nya at comments mo lang ang iaapprove mo, kasi alam mong may maooffend kang tao. Bastusan na e. Kung hindi mo naisip na makakabastos ka (that you're just being sweet <--- boo hoo, you whore!), malamang sa malamang e nag-aatrophy na at tumatagas na ang utak mo. Bakit hindi mo kaya subukang magpatingin? Tapos ngayon, lumipas na ang dalawang buwan nung malaman mo mula sa bestfriend mo na halos masira mo na ang relasyon nya at minura ka pa nya, e ang tibay pa din ng mukha mo at nakukuha mo pa ding buksan yung account nya. At hindi mo kayang linisin yung basurang kinalat mo dun..

I have never hated anyone in my life the way I hate this person. Forgive and forget daw. I actually tried the "forgive" part, yung "forget" part talagang malabo yun at wala nang ililinaw pa. Ok na sana e kaso ang tigas talaga ng mukha nya, nandun pa din yung basura na nagsisilbing reminder ng damage na ginawa nya. Ngayon na kakabukas ko lang ule ng friendster since I don't know when, eto na naman, I feel all raged up. Nagagalit na naman ako. Galit na galit ako kasi she doesn't even fucking know me para gawin nya lahat ng ginawa nya. Bestfriend daw.. bestfriend my ass! Ang sobrang kinasasama pa ng loob ko e dahil sa lahat ng ginawa nya saken, sa lahat ng sakit na binigay nya, hindi ko pa din sya namumura sa mukha nya kahit isang malutong na "putangina" lang. Isa lang.

Forgive and forget.

Forgive? Someday.. pag nai-deliver ko na siguro sa kanya yung isang malutong na "putangina". Hindi ko man sya mamura, alam ko mapapatawad ko din sya pero that doesn't mean I have to like her dahil hindi yun mangyayari - not in this lifetime, not in the next, not in a million years.

Forget? Sabi nga ni LeAnn Rimes, the heart never forgets.    

Masking Tape Law

Nanood ako ng APOCALYPTO (supposedly kasama ko ang kapatid ko pero dahil inaway ko sya, ako lang mag-isa ang nanood). Anyway, dahil nasa CinemaGold ito sa Festival, ikinatuwa ko. Mas komportable at mas feel ko ang atmosphere dito (dahil parang ang linis-linis) kesa dun sa malaking sinehan. Dahil ako lang mag-isa, dun ako sa last row naupo. Walang nakaupo sa katabi kong mga upuan  kaya pabor na pabor ito para sa'ken. Sa bandang kanan ko ay mayroong mag-jowa, sa bandang kaliwa naman ay isang middle-aged man na wala ding kasama. Ang mga nasabing tao ay lumabas ng sinehan sa kalagitnaan ng movie, pinanood lang ang mga parte na hindi nila naabutan. Naunang lumabas yung mag-jowa, naisip kong lumipat dun sa pwesto nila kasi gitnang-gitna ito pero tinamad ako. Di bale na, komportable na naman ako e. Sumunod umalis ang middle-aged man. Dun sa more or less remaining 30 minutes ng film, may pumwesto dun sa inupuan ng middle-aged man. Ewan kung magkaibigan lang sila, hindi naman sila mukhang mag-jowa. Pagkaupo pa lang, daldal na ng daldal itong babae. Isang upuan lang ang pagitan namin kaya dinig na dinig ko sya. Ang lakas pa ng bunganga nya. Nandun na kasi sa part na binibigyan sila ng "chance" makatakas. Etong si babae, "Ang daya, ang daya nila" (yung mga pinapatakas kasi e ine-aim-an naman ng pana, sibat at kung anik-anik pang sandatang maaaring ibato dun sa tumatakbo para makatakas). Naisip ko noon din na sana lumipat na lang pala ako ng pwesto, malayo dun sa mala-machine gun na bunganga ng babaeng malapit sa'ken. Pero kinabog talaga ako dun sa pagbabasa nya ng subtitle. Tangina naman, hindi ba marunong magbasa yang katabi mo at kailangan mo pang magbasa ng malakas? Sobrang dinidibdib ko na yung panonood, kina-career ba, tas sinisira ng babaeng yun ang moment. Peste ka! May dala ka bang popcorn? Bakit hindi mo kaya saksakan yang bibig mo nang tumigil ka na sa kakasalita? Bwisit na bwisit talaga ko. May eksenang morbid e, tas napamura sya ng malakas tas parang napahiya naman sya kasi sinaway sya ng kasama nya. Pero hindi pa din sya tumigil, nakakagigil na talaga. Tumingin na nga ako sa side nila e, hindi man lang nakaramdam. Paksyet! Punyeta ka naman e, ikaw lang ang maingay sa sinehan a. Lahat halos concentrated sa panonod dahil nagbabasa ng subtitle tas ikaw maingay sa panonood. Konting konsiderasyon naman sa iba. Nasa bahay ka ba? Bakit hindi mo na lang kaya subukang umupo sa harap, gumamit ng mic, mag-iba-iba ng boses na parang dinu-dub mo na yung movie para sa aming nanonood para hindi na din kami mahirapan sa pagbabasa ng caption? Yaman din lang, na binabasa mo yung caption na parang hindi marunong magbasa ang mga tao sa paligid mo. Bwiseeeeet!

Siguro para sa kapakanan at ikabubuti ng mga manonood, at para mapangalagaan na din ang aming karapatang pantao sa isang matiwasay na pagsisine, dapat may magpasa ng batas sa kongreso na magpapatupad ng paglalagay ng masking tape sa bunganga ng kung sinuman na makakasagabal o makakaistorbo o makakagulo o makakapagpairita sa iba pang manonood. Syet!