Madami na din nangyari mula nang pumasok tong buwan na to.
May 1 ~ Birthday ng inaanak ko. At sa dami naming magkakaibigan, apat lang kaming hindi taga-dun ang sumipot. At anak ng siomai! May clown. At dalawa sila. E takot ako sa clown, walang personalan sana sa side nila kasi alam ko nagtatrabaho sila. Ayoko lang talaga sa clown. Kaya ayun, pag lalapit na yung clown sa’min, nagfi-freak out ako. Mukha nga akong TANGA! Masaya naman kahit kami-kami lang. Dun sa mga hindi nagpunta.. ewan! Nalaman ko din na may problema yung kaibigan ko. As of this writing, medyo naayos na naman daw.
May 2 ~ Nalaman ko yung kondisyon ng pusa namin. Nakanganga lang sya. Di maintindihan kung ano’ng nangyari sa kanya, kung nasagasaan ba o ano. Putah! Nakakaawa talaga. Hindi makakain kasi nga hindi nya maisara yung bibig nya. Parang gustong madurog ng puso ko pag nakikita ko yung pusa. Sumasakit ang tyan ko at naninikip ang dibdib.
May 3 ~ Nagpunta kami ni Jinkee sa skul. Nag-ayos ng papel-papel. Sya na nga nag-ayos ng clearance namin ni Ja, habang kami naman gumagawa ng letter para mag-petisyon tungkol sa Alumni Scholarship. Pucha naman kasi, ang ine-expect namin, sa buong pag-aaral namin yung skolarsyip na yun tas sasabihin nila na good for one year lang daw yun. Bo-malabs tong mga to a. Di sana tinawag na lang nilang special-discount-for-a-limited-period chennelyn yun. EWAN!
Ayun, ang sama ng loob ko. Bukod pa sa skolarsyip, naiisip ko din yung kaibigan ko at pusa namin. Tapos, yung taong gusto ko sanang sumalo ng lahat ng sama ng loob ko e hindi ko alam kung pano ko kokontakin. Mahigit isang linggo na nung huli ko syang nakausap. Sobrang frustration, wala akong nagawa kundi ang ngumalmal.
May 4 ~ Whatdafuck? Mugto pa din mata ko at tingin ko sa mukha ko e namamaga. Pero in all fairness, mas gumaan ang pakiramdam ko. Pumunta ko ng tindahan kasi may pupunta daw mamang PLDT sa bahay at kailangan umuwi ng tatay ko.
Bumalik ang tatay ko sa tindahan late na nung hapon. Pag-uwi ko ng bahay, may tumawag daw. Long distance. Lam ko na kung sino, yung taong gusto kong makausap. Hindi ko sya nakausap pero ayos lang at least tumawag, hindi pa din sya nakakalimot.
Kinagabihan, nakausap ko na sya. Hindi naman pala long distance yung tinawag nya, charing lang nya. Nakabalik na daw sya galing probinsya. Akala ko ok na, ang hindi ko alam maa-upset lang pala ko.
May 5 ~ Eto na’ng period ko. Lintek nga naman ang dysmenorrhea. Sa tindahan pa din ako, may aayusin daw tatay ko sa bahay. Hindi din sya makakabalik sa hapon para matapos na daw yung ginagawa nya. Medyo masama na ang lagay ko at ang mood ko, pero pinipilit kong hindi magtaray sa mamimili kahit sobrang nambubwisit na yung iba.
Pagkakain ng hapunan, lumabas ako para bumili ng BEER! Legal ang pag-inom kong ito, sabi ko sa kanila pampalabas ng dugo. Ayoko muna mag-mefenamic ngayon.
Walang tawag.
May 6 ~ Palengke ule pero para mamili lang ng lulutuing istopegi para sa birthday ng kapatid ko. Umuwi ang tatay ko, at nagyaya ako mag-practice ng pag-da-drive. Linsyak! Hindi pa nakakalayo samin, namatayan na ko ng makina. Dapat sa hi-way kami, e hindi nagustuhan ng tatay ko yung pagkakamatay ng makina kaya sa loob na lang daw muna kami. Kinakabog ako kasi tatay ko kasama ko mag-drive, e huling hawak ko ng manibela 16 months ago na. Ewan nga kung marunong pa ko. Disaster! Napagalitan ako kasi kung kelan naman daw paliko tsaka ako sasalida at aapakan ang gas. Hindi din daw ako marunong magpalit ng gear. Wala ata talaga kong pag-asa pagdating sa pagmamaneho. At mukhang hindi ako makakahiram ng oto sa tatay ko ever. Waaaah!
Wala uleng tawag.
May 7 ~ Birthday ng kapatid ko. Di sure kung sasama nanay at tatay ko sa pag-alis basta kaming magkakapatid, lalakad daw. Nagising ako sa text ng tatay ko na hindi daw pumasok tindera nya. Na-bwisit ako agad. Ibig sabihin, di ako makakasama pag-alis. Paglabas ng kwarto, sabi sakin ni Nija half-day lang daw magbubukas ng tindahan sila mami. E di nagliwanag ang umaga ko. Yahu! Gagala kami at kasama pa sila. Ages ago na nung huli kaming lumabas na pamilya. Sa Southmall kami nagpunta at may show ata si Ara Mina. Di kami nanood, wala kaming hilig sa artista. Gusto ko sana mag-ice skating kasama yung mga kapatid ko kaso andameng tao.Nag-ikot-ikot lang kami. Dun nag-hapunan at umuwi na.
Wala pa ding tawag. Kaya ako na nag-try tumawag, baka sabihin naman na napaka-effortless ko. E wala namang sumasagot ng phone nila, naka-tatlong try din ako at 30-minute intervals tapos nawalan na ko ng gana.
At wala na din akong ganang ituloy to.