Archive for June, 2006

love to hate

Thursday, June 29th, 2006

Go to fullsize image

you’re a jackass and i hate you!

so full of yourself you son of a bitch!

grrrrr!

Yada! Yada! Yada!

Thursday, June 29th, 2006

Pauwi na ako nung isang gabi, sakay-sakay ng jeep. May sumakay na dalawang pasahero, isang babae at isang lalake. Madame akong iniisip at hindi ko sana sila mapapansin kung hindi lang sinabi ng lalake na ang destinasyon nila e destinasyon ko din. Kala nyo nagawa sila ng milagro noh? Of course not, wholesome tong post na to. Anyway, ayun nga, nakuha na nila ang atensyon ko at mas lalong nakakaagaw ng pansin itong babae dahil dakdak sya nang dakdak with full emotions pa.

Sa peripheral view ko lang sila tinitignan. Nakikita ko yung lalake na palinga-linga at tila kung saan-saan binabaling ang atensyon. Lumingon ako, nakita ko sa mukha ng lalake na tila hindi sya interesado sa mga pinagsasabi ng babae, na para bang narinig na nya ang mga ito a million times at pinapabayaan nya lang yung babae to pour her heart out.

During the entire byahe, mega dakdak pa din itong babae at mega deadma naman itong lalake. Kamusta naman sila?

Pagbaba nameng tatlo ng jeep, naglakad din lang yung dalawa. Super tuloy ng kwento pa din itong si babae. At si lalake naman, mas madameng pagbabalingan ng atensyon ngayon!

Haaaaayyy….

Ewan kung alin ang mas nakakaasar: (a) people who are so full of themselves at walang ginawa kung hindi magkwento ng tungkol sa kanila kahit wala nang nakikinig or (b) people who aren’t paying attention when you are talking to them - in short BASTOS!

Sa Mga Nakaka-relate…

Tuesday, June 20th, 2006

A LETTER TO THE ONE THAT GOD HAS PREPARED FOR ME

I am wondering at this very minute if you are thinking of me, if like me, you are wondering what is taking us too long to find each other. Many times I thought I finally found you, only to be disillusioned by the fact that my wait has not yet ended. I get up every morning hoping, dreaming, longing to meet you. I am thinking of how we will meet, Would it be as romantic as the ones I have seen in the movies? Or is it possible that I have known you all my life but we have yet to realize that we are meant for each other? Oh how I wish you were here right now because you are the only one who has the answers to all my questions. Sometimes I ask myself if I have ever really known LOVE. I do not have the answer to that question either but I believe that more often than not, We will never really know what love is until we find that right person and since I have not found you yet, then maybe I do not really know what love is! You just don’t know how often I dream of finally knowing what it feels like to be in your arms. Even at this very moment, I am imagining how you will simply sweep me off my feet! Perhaps I would be drawn to you by your smile, or your eyes, or maybe even how you manage to make me laugh by your silly little ways! I don’t really know for sure but I am praying that GOD will help me recognize you when the right time comes. I think of all the pain that I have gone through in the past and how much I have cried since the day I began my search. I just wanted you to know that I find my strength in clinging into my vision of the beautiful life ahead of me the life I shall spend with you. In my mind and in my heart I know that you are worth all the pain and sacrifices. After all, the tears have become a part of my life and I believe that they are slowly washing away my flaws so that I would become perfect, not perfect in the truest sense, but perfect— for YOU! I wonder if you’ve gone through so much pain as well. I wonder if you’ve been hurt so many times along the journey. But my dearest one, please don’t ever give up Because I am right here patiently waiting for you! I assure you that when we finally find each other, I would slowly heal those wounds by my love. At night, I would look out my window and stare at the beautiful sky, hoping that somehow you are also looking up and wondering about me. I utter a silent prayer and send all my cries to the heavens above Thinking that in time they would reach you. And when I feel impatient, I just close my eyes and believe that you are on your way and that you are longing to see me as well. It is funny, but when I finally fall asleep, it is still you I think of, for you are always in my dreams. It seems that for now, that is the only place where I can hold on to you, Long enough to tell you how much I love you. In my dreams you would kiss away my fears and wrap me with your arms of love. And this, all the more, makes me want to wake up And face the new day ahead with the hope that soon enough, You will no longer be a dream but a reality. And once again I am assured that you are worth the wait. And when that time comes, everything will fall into its place, just as I had imagined. Just as I had believed it would be! By then, I would simply look back and smile at all that I have gone through, In spite of the pain and amidst the simple joys of life And I would be very thankful because they all led me to you! In the meantime, take care of yourself for me. Hold on to our dream and don’t even think of letting go. Believe in your heart that we will find each other no matter what happens. God has planned the course and it’s up to us to follow the directions. Don’t worry, don’t be afraid about getting lost. God saw to it that all the roads, no matter which one you choose to follow leads you to me.

* ang ganda neto kaya kinopya ko mula sa blog ni HOTCIZ

Tara Na Sa RITM

Monday, June 19th, 2006

Papasok na sana ko ng eskwelahan ngayong araw na to kaso naman natagalan kami sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine) kasi nag-conference pa daw ang mga doktor. Sumama ko sa kapatid ko sa pagbabakasali na pwede kong magpa-peel ng fez. E kaso sabi ng kapatid ko baka hindi din daw yun maisakatuparan kasi meron pang preparasyon kaya pina-check up ko na lang yung pimples sa dibdib at likod ko. Naglabasan ang mga ito pagkagaling namen ng Baguio, siguro kasi malamig dun tas pagbaba dito biglang init naman. Pagkatapos pa yun ng Holy Week, hindi pa din nawawala hanggang ngayon kaya yun ang pinakonsulta ko. Murang-mura lang para magkaroon ng record, magbabayad ka lang ng bente pesos tas libreng konsulta na. Ayus di ba? Bibilhin lang yung mga gamot at magbabayad lang pag may pinagawang procedure. Pwede!

So ayun nga, habang naghihintay kame na matapos ang conference, naka-chika ko yung ilang pasyente din na nandun. Ang pinakamakwento ay si Nanay Sofia. May eczema daw sya at pumutok ito. Malapit sa ugat kaya nung pumutok, ayun hemorrhage ang drama. Sa PGH daw sana sya magpapakonsulta kaso yung ultrasound daw nung vein e August pa ang sked. May kung anik-anik pang mga asikasuhin para maka-discount. Nagpunta na sya ng RITM para kahit papaano daw e maagapan. Hihintayin pa nga naman ba ang August, e natutulungan naman daw sya ng mga doktor dun. Nakakatuwa kasi may dala pang photo album si Nanay, may picture pa sya ni Sharon Cuneta kasi magka-klase yung apo nya at si KC sa isang International School. Basta ang dame-dame nyang kwento, nakakaaliw kaya kahit medyo matagal kame naghintay hindi naman sobrang nakakainip.

Pagkatapos ng conference, nagtawag na ule ng mga pasyente. Mabilis naman kasi madameng doktor. Nakakaawa nga lang yung ibang pasyente kasi yung iba alas-sais pa lang daw ng umaga nandun na tas huli pang matatawag, natabunan ata mga papel nila. E di natawag na ko, akala ko nga mabilis na mabilis lang kasi nga wala namang bayad pero thorough yung naging doktor ko (Dr. Feliciano) lalo na pagdating sa medical history (DM, HPN, asthma, allergies, etc.). May chika-chika pa ng konti nung nalaman nyang nasa med school ako. May nireseta sya sa’keng gamot at nabili ko dun sa pharmacy nila sa halagang P260, dalawang klase na ng gamot yun at malalaki naman ang botelya, lalabis pa siguro sa pang-isang buwan na konsumo. Napakamura di ba? Pang-masa talaga! San ka pa?

Busy Me

Wednesday, June 14th, 2006

Makalipas ang ilang dekada, heto ako at nagbabalik upang muling magsulat ng panibagong post. Ang hirap palang maging artista, tv guestings, tapings, out-of-town shows, endorsements at sari-sari pang mga chennelyn. Nawalan tuloy ako ng panahon para dito. Etchos lang noh! Nawala ako sa sirkulasyon sa worldwideweb dahil sa palengke uminog ang aking mundo. Una, part time tindera lang, late na ko pumupunta sa tindahan namin tas kung papalarin nakakauwi pa ako ng bahay. E etong past week, nagkasakit ang aking ama kaya naging full time tindera ako. Sa kasamaang palad naman, kung kelan hindi makapunta ang tatay ko sa tindahan, saka naman nawala yung kinakasama namin. Ayun, ako nagbubukas ng tindahan ng tatay ko mag-isa. Tinutulungan naman ako ng nanay ko pag wala syang inaasikasong mamimili. Ang toxic pa naman ng panahong yun kasi kakabukas lang ng klase sa mga pampublikong paaralan. Buti na lang napunta ang aking bunsong kapatid at kahit nag-start na yung rebyu nya, pumupunta pa din sya. Straight yun, isang linggo kaya naman ngarag na ngarag ang pechay ng lola nyo. Bangelay na ever pag umuuwi at shogod na shogod kaya tv at nyelepono na lang ang kayang harapin. O ang taray di ba nakukuha ko pang makipag-chismisan? Minsan naman, nananahi pa din ako ng mga notebook o kaya naman nagcocover ng mga ito. Yun kasi ang mas gustong bilhin nung iba para wala na sila masyadong intindihin. Ewan kung nagiging tamad na talaga ang mga tao ngayon o sadyang busy lang talaga sila sa mga affairs nila sa buhay. Ngayon, balik-eskwela ang drama ko kaya hindi na ako nagpupunta ng palengke. Heto nga at unti-unti na akong nakakarecover.

Medicine Paespesyal?!

Friday, June 2nd, 2006

May mga taong nagsasabi nito, puwes BS sa kanilang lahat. Kung paespesyal kame, e di sana di ko na naranasan lahat ng kahirapan sa pag-eenrol kanina. Kulang yung perang pang-down ko kaya nagpabalik-balik ako sa allied building at elementary building buti mababait yung mga tao dun. Tas pagpila ko sa reg, gapang ang pila. Kung VIP talaga mga med, e di sana hindi na kame pumipila ng katagal-tagal. At eto pa, kung espesyal kame, baket kame pa ang hindi print out ang reg form at kame pa ang nagsusulat ng subjects sa reg form ha? Natuwa pa man din ako kasi habang nasa pila, akala ko de-print na din reg form sa allied. Nung una agonizing para saken pag naririnig kong nag-iingit yung printer na de-ribbon. E kaso after ng tatlong mapi-print parang magloloko yung pc, hindi nagtutuluy-tuloy ang printing kaya nagtatagal lalo ang pila. Sa sobrang tagal ko naghihintay, walang kasama at halos mapanisan na ng laway, pag naririnig ko nang umaatungal yung printer, para na din itong music to my ears. Hindi man lang makabili yung eskwelahan ng hi-tech na mga gamit at ipa-upgrade man lang sana yung program para mas mabilis at mas maayos sana ang lahat. Tas pagdating ko sa unahan ng pila, binigyan ako ng reg form at sinabihang isulat ko daw yung subjects dun sa reg form. Putah! Akala ko pa naman LAHAT NG COURSES NG ALLIED print out na ang reg form. Tapos nung tinanong ko kung pwedeng dun na lang ako magsulat, pinaalis ako sa pila. Yun ba ang espesyal? Ha? Ha? Pare-pareho lang tayong nahihirapan. Mag-isip-isip nga sila bago magsalita. Mga anak ng tokwa!