Archive for August, 2006

Ang “Guinea Pigs”.. baw!

Wednesday, August 30th, 2006

Yesterday for our micro laboratory experiment, we were "vaccinated"! The so-called vaccine contains three attenuated (or probably dead - not so sure) microorganisms - Salmonella typhi, Shigella flexneri and Vibrio El Tor to be administered subcutaneously. The doctor showed us how it’s done by injecting it on himself. Freaky.. We were vaccinated so that by next week, we can measure the titer (which is our next experiment).

Victim #1 - Tom. Sticking the needle into the arm and loading the vaccine seemed painful, pero sabi ni Tom di naman daw. Victim #2 - Bambi. She said she was scared pero di ko napansin kasi she seemed so eager to get it over and done with. After her shot, sabi nya din na hindi nga masakit. Nagpilahan na. Most of the girls were done, kaya yun umupo na ko para magpaturok. I was really scared, gusto ko pa ngang ilayo ang braso ko kay Doc. But when I felt that I was poked, natawa na lang ako. Hindi nga naman masakit. And then, when we were all done, the doctor did a little lecture. During the lecture, I felt my left arm starting to sting and it felt as if it was getting heavy. It also felt hot when touched. Inflammation kung inflammation ito - tumor, rubor, calor, dolor, functio laesa. Kaloka! Some of my classmates also felt the heaviness after a little while, yung iba naman nung hapon na nagreklamo na masakit din daw mga braso nila. We were told that we might develop fever. I didn’t pero buong araw sumakit yung braso ko. Ngayon, nasakit na lang pag nadadale.

We were joking about the experiment, saying that it’s LD50 Toxicity Test! Sino’ng mamamatay at sino’ng mag-su-survive? Abangan.. Paano kaya kung ganun nga? Kamusta naman di ba?

..beyond the heavens..

Saturday, August 26th, 2006

Since I studied in Perpetual, I was able to attend various religious activities and chennelyn chenez - recollection, retreat, LSS (name it!). And when I was in my undergraduate course, we had to go through eight Christian Living subjects, one for every semester. Now in post graduate school, I think we have one for every year. We can probably be candidates for sainthood or as we always joke about it, we’ll go beyond the borders of heaven for being so "religious".

For today, our class was asked to attend another recollection, for second year students daw. Okay, maybe we’re second year students but we’re already in post graduate school. Heller! Besides, we did that (recollection) last year and even went to Quezon City to attend the LSS. What’s worse is that it’s the same recollection as last year. As my friend (either Marms or Anna) put it, it’s the same speaker with the same speech, same punchline, same everything. The speaker also talked about dating, courtship and all that crap. I don’t think it’s still applicable nowadays (or maybe I just wasn’t listening intently so I must’ve misunderstood). I’m sorry if I have a different view with regards to that matter. I didn’t think the talk was really for people my age so it was getting boring for me. I think it’s teenage talk with all the "kilig" factor, relationship ideals or whatever. There was also an activity, to draw blah! blah! blah! But before that, the speaker asked us to bow down our heads for an internalization or what. It was the same thing we did when we had our retreat in Tagaytay (way back in 2004). I don’t know if any of the students there cried but during our retreat, I freakin’ cried my heart out (it was crazy!). As the speaker was into the internalization, creating a scenario of whatever inside our heads, I tried to observe some of my classmates. I noticed that Ray was sleeping and so was Alex (I think so because he couldn’t have been internalizing since he’s clueless as to what the speaker is saying - he couldn’t understand Tagalog). Poor Alex, he attended the same recollection and probably didn’t even notice it. I think it’s a perfect waste of his time, the speaker is talking in Tagalog and he’s just not able to comprehend what the speaker is saying (don’t you think so, Alex?). We were getting hungry and impatient, so we sneaked out of the chapel even before the lunch break.

I just hope they won’t ask us to do another recollection next year especially if it will be the same thing.

may bago ba??

Friday, August 25th, 2006

Dahil hindi na ako ganon ka-pre-occupied (i must say na naka-move on na ko) habang bumabyahe pagpasok ng skul at pauwi ng bahay, andami kong napapansin - kapwa pasahero, pagmamaneho ng tsuper pati ang trapik (dati naman hindi ako ganon naiinip).

Anyway, eto ang latest..

Ngayon ko lang napansin, may ilang pasahero ang mag-aabot ng bayad at sasabihing "..isa, malapit lang" o kaya naman "..isang malapit lang tsaka isang pacita". At saan naman kaya ang "malapit lang" na iyon? May ganon palang lugar.. Yung ibang pasahero naman (nagawa ko na to e), basta na lang sasakay ng jeep na hindi tinitignan ang karatula tas pag na-realize na mali ang nasakyan, sa mamang drayber pa nanggagalaiti (yun naman ang hindi ko ginawa). Imbis na humingi ng pasensya (na siyang ginawa ko) at bumaba na lang para lumipat ng ibang masasakyan. E kanina nga, me nakasakay ako. Pagsakay nya, tanong sya "hiway ho? hiway?" Napaisip ako, kelan pa nagka-hiway sa munti? ang lam ko lang sa may papuntang laguna meron nun. Sabi ng drayber "muntinlupa". Hindi ata narinig ng mokong, tanong sya ule "hiway ho? hiway?" Nilakasan na ng drayber ang sagot "muntinlupa po". Nairita ata si kuya at pabulong-bulong habang bumababa ng jeep. Naisip ko tuloy, gago! hiway-hiway ka dyan, EXPRESS WAY!

Sa tsuper naman, ilang araw na ba kong nakakasakay sa mga drayber na ewan ko ba kung kelan natuto magmaneho? Hindi mo maintindihan kung nanggigigil o ano. Aapakan ang silinyador.. bibitawan.. aapakan ule.. bibitawan na naman.. Alam mo yung pagmamaneho na talaga namang nakakakalog ng utak? Ewan ko ba kung nag-fi-feeling the fast and the furious. Kung hindi yun ang problema, yun namang bigla-biglang tatapakan ang preno. Kamusta naman ang pasahero daba? Kulang na lang mag-egg roll at gumulong-gulong kame mula sa estribo papunta sa dako ng drayber! Nakakabwiset e.

At ang hate na hate ko sa lahat, trapik.. nakakainip.. nakakabato..

Nagbabagong buhay na nga ako, parati kasi akong late. Aalis nga ako ng maaga-aga samen, babanatan naman ako ng trapik sa olivares at matyetyempuhan ko pa ang mga buwayang drayber na kung hindi ginagawang terminal ang halos lahat ng kanto e tinitigilan lahat ng makitang pasahero sa daan kahit hindi naman sila pinapara.

Ilang taon pa ang ilalage ko sa skul, ilang taon pa din akong makakakita ng mga eksenang ganito.. haaaaayyy..

lintik!

Wednesday, August 23rd, 2006

sino ang hindi mabobokot?! sino ang hindi mapapa-roll ang mata sa kaasaran?!

putangnang mga kubeta sa eskwelahan, sabay-sabay sinasarahan at nililinis (nga ba?). ihing-ihi na ako, pupunta ko ng comfort room tas sarado ang pinakamalapit. aakyat ako ng fourth floor, wala! sarado din. bwiset! dapat siguro gumagamit na lang ako ng adult diapers. ilang beses nang ganyan. nakakaloka!

eto pa, pag gagamit ka ng cr, kung hindi nagkukumpulan ang ibang estudyante para magtsismisan sa harap ng salamin e ginagawa namang dressing room ang kubeta. kamusta di ba? isang kasagabalan.

isa pa, nauna ka na sa cr tas uunahan ka pa din pumasok sa cubicle ng babaeng kupal na parang hindi napansin na nakapila ka. taeng-tae ba?

grrrrr!

P*tah..

Tuesday, August 22nd, 2006

Kwentong jeepney na naman to..

(hindi naman halatang masyado kong inoobserbahan ang mga kapwa ko pasahero)

Dati pa to, may nakasabay ko, lalake at ang kanyang mga friends. Estudyante pa din (at hindi ko pa din babanggitin kung saang paaralan siya basta hindi ule sa perps-parang ang babait ng mga tao sa perps a). Anyway, napansin ko lang na etong si kuya e may salitang puta sa bawat sentence na sinasabi nya - "puta pare, hindi ko pa naipasa ang putang exam. puta, isang point na lang. puta talaga. puta. puta. puta pare, nag-away pala si toning at si tita. puta naman kasi si toning. gago ang puta. bastos e. puta talaga. puta. puta."

Wala lang, naisip ko lang ang panget pakinggan. Naisip ko nga nun babawasan ko na din ang kakasingit ng puta sa pagsasalita ko. Pag kinakailangan na lang. Wala namang kaso sa pagmumura pero kung ganyan naman, e puta! nakakarindi na.

Ewan!

Tuesday, August 22nd, 2006

Kanina pauwi, may nakasabay akong mga kapwa estudyante (hindi ko na babanggitin kung saang paaralan sila nag-aaral pero hindi sa perps). Limang mga babae. Pagsakay pa lang, ang iingay na. Tas yung isa nagsalita na "sabi sa inyo wag na tayo uminom!" Parang ibrinoadcast sa buong jeep na astig sila dahil marunong silang mag-inom. Kamusta naman yun? Hala, derecho sila ng talak, ang lalakas ng mga bunganga habang  nagtatangahan. Tas ang liligalig sa pagbabayad ng pamasahe. Papanchot ang mga puke ng ina. Buti pa yung isa sinabihan yung kasama nya na wag magulo at pinagtitinginan na siya ng ibang pasahero.

Ayos lang naman uminom e pero sana nadadala ang sarili, sa pampasaherong jeepney pa nagkakalat. Ginigimbal nila ng ibang pasahero. Parang hindi nag-aaral. Ewan!