Juana Tamad y Senti
Sunday, November 19th, 2006Hindi ko alam kung bakit.. Bakit nga kaya??
Siguro lang, wala talagang happenings sa buhay ko ngayon.. kumbaga pag pinercuss sa may area ng liver …DULL.
O siguro naman, merong happenings.. hindi ko lang maisiwalat sa madla..
Ano’ng nangyayari saken??? Wala na ba kong kwentong jeepney, samantalang tuluy-tuloy ang byahe ng buhay ko? Wala na bang kwentong kubeta? Wala na ba kong masabi? Hindi ko na ba naoobserbahan ang paligid ko?
Sadya lang siguro talaga akong tamad.. (sadya na, talaga pa.. beat that! NUNO NG KATAMARAN!)
Tinatamad talaga akong magpost nitong nakaraan, wala din kasi akong maisip na maisusulat. Pati ba utak ko tinatamad na rin?
Sana sa mga darating na araw hindi na..
Eto lang ang outlet ko…