OMG! Holy Kamatis!

May nakasabay ako’ng EXHIBITIONIST sa jeep. Putangina lang naman.

Nagmamadali ako’ng umuwi kahapon, swerte naman na yung jeep sa harap ng skul e derecho hanggang sa lugar namin, ang hindi ko alam…

Mega sakay agad ang lola. Nakasakay na si Rare sa jeep, since nakasabay ko na sya dati, nakachika ng konti at magkababayan namin kami, chinika ko sya. Habang byahe unti-unting napuno yung jeep. Di ko na napansin ang mga pasahero. Pagdating ng Pacita, bumaba yung dalawang high school girls sa tapat namin ni Rare (sa may estribo kami nakapwesto) at lumipat doon ang isang mamangot (mama/kuya/manong)..

Ang hudas nagbukaka doon, e katapat lang naman namin sya dava? Although wala akong balak pansinin ito, naagaw ng pulang short nyang butas pala (sa pundyo pa ha!) ang atensyon ko. Akala ko kung ano lang iyong kulay brown na nakikita ko sa peripheral view ko, napatingin ako. Amputa! Akalain mong nag-hello ang "yun na nga" nya sa’kin! OMG! Holy Kamatis!

Nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-chismisan nun, na-shock ako sa nakita ko pero tuloy pa rin ako sa daldal para hindi halata na naapektuhan ako. Pero talagang naapektuhan ako dahil nagkandabulol at hindi ko na maisip yung iba pang gusto kong sabihin. Tinapos ko lang yung huli kong sinabi at nanahimik na ko’t tumagilid ng konti. Pinipilit ko’ng ilayo ang mga mata ko sa "yun na nga". At sa pesteng mamang yun, natatakot ako’ng tignan ang facial expression nya.

Maya-maya pa, bumulong si Rare at nagtanong kung exhibitionist daw ba yung mama. Tapos tumahimik kami uli, kanya-kanyang kalikot ng nyelpon. Dinutdot ko lang yung nyelpon ko para mag-busy-busy-han, kasama ito sa aking deadma ever drama sa mamang butas ang salawal. Sana bumba na sya.

At maya-maya pa din, napansin kong tila hinahawakan na nya ang "yun na nga", pa-haplos-haplos. Mas nagiging nakakatakot na ang mga eksena. Gusto ko nang tanungin si Rare kung gusto na nyang lumipat kami ng jeep. Naunahan nya ako’ng magtanong. Syempre "oo" ako kaagad, ayoko nang maabutan ang live show nya baka kung ano pang halimaw ang lumabas doon. Naalala ko ang sinabi ni Marms dati, baka sumunod pagbaba ng jeep. Nakakaloka yun dava? Tamang-tamang pagkatanong ni Rare nasa may ice plant kami malapit na sa McDonald’s, biglaang "para mama" ito. Shulamat naman at hindi naman bumaba yung manong ex.

Sumakay na kami ng ibang jeep at habang pauwi, nag-chismisan uli, kasama na ang pagtatawa sa kakatapos lang na pangyayari.

Hindi ito ang first time na may nakasabay ako sa jeep na exhibitionist pero ito ang first time na nakakakita ako ng "yun na nga" sa loob ng isang pampublikong sasakyan! Nakakagimbal! Mas nakakagimbal pa ata sa huling horror film na napanood ko. At ampanget! Ampanget ng "yun na nga" kapag patay sya. Kaya hindi ko na tinangka ang mag-second look pa. Charot! Wala talaga akong balak noh, baka isipin pa ng linsyak na exhibitionist na yun na natutuwa ako sa kanya. Punyeta sya tinakot nya ako!

2 Responses to “OMG! Holy Kamatis!”

  1. Jc Says:

    yan ang jeepney joyride! wahahhaha! =p

  2. 'awie' Says:

    bakit lagi ka nalang nakakakita ng butas na short? alala mo nung magkasabay tayis puntang glorietta para mg-widro? butas din yun short ng mama.. pero san ka pa~ gwapo itey!!

Leave a Reply