Broken
Ewan ko ba kung bakit me mga taong sadyang makakapal ang mga mukha, na-confront na at lahat, namura na din, pero hindi pa din malinaw sa kanila na dapat na silang mag-back off.
Gaya na lang ng napaka-insensitive na relationship-wrecking slut na ibabahagi ko sa post na ito.
Kung totoong bestfriend ka, di ba dun ka sa ikakasaya ng bestfriend mo at hindi yung eepal epal ka para siraan yung relationship nya? Hindi porke alam mo ang password e bubuksan mo ang friendster account nya para ibalandra yung mukha mo dun, tas lalagyan mo pa ng caption using the possessive pronoun "ko", at hinding-hindi mo din papakialaman yung comments ng girlfriend nya at comments mo lang ang iaapprove mo, kasi alam mong may maooffend kang tao. Bastusan na e. Kung hindi mo naisip na makakabastos ka (that you’re just being sweet <— boo hoo, you whore!), malamang sa malamang e nag-aatrophy na at tumatagas na ang utak mo. Bakit hindi mo kaya subukang magpatingin? Tapos ngayon, lumipas na ang dalawang buwan nung malaman mo mula sa bestfriend mo na halos masira mo na ang relasyon nya at minura ka pa nya, e ang tibay pa din ng mukha mo at nakukuha mo pa ding buksan yung account nya. At hindi mo kayang linisin yung basurang kinalat mo dun..
I have never hated anyone in my life the way I hate this person. Forgive and forget daw. I actually tried the "forgive" part, yung "forget" part talagang malabo yun at wala nang ililinaw pa. Ok na sana e kaso ang tigas talaga ng mukha nya, nandun pa din yung basura na nagsisilbing reminder ng damage na ginawa nya. Ngayon na kakabukas ko lang ule ng friendster since I don’t know when, eto na naman, I feel all raged up. Nagagalit na naman ako. Galit na galit ako kasi she doesn’t even fucking know me para gawin nya lahat ng ginawa nya. Bestfriend daw.. bestfriend my ass! Ang sobrang kinasasama pa ng loob ko e dahil sa lahat ng ginawa nya saken, sa lahat ng sakit na binigay nya, hindi ko pa din sya namumura sa mukha nya kahit isang malutong na "putangina" lang. Isa lang.
Forgive and forget.
Forgive? Someday.. pag nai-deliver ko na siguro sa kanya yung isang malutong na "putangina". Hindi ko man sya mamura, alam ko mapapatawad ko din sya pero that doesn’t mean I have to like her dahil hindi yun mangyayari - not in this lifetime, not in the next, not in a million years.
Forget? Sabi nga ni LeAnn Rimes, the heart never forgets.
May 19th, 2008 at 3:53 am
miss ko blag mo! ang ganda putangina!!
May 24th, 2008 at 9:07 pm
eto na ang aking pagbabalik. basta makauwi ako ng bahay at may bagong eklavu, magsususlat ako! bwahahaha!
May 24th, 2008 at 9:09 pm
bakla, salamat sa masugid na pagbabasa ng blog ko. ;p