When Hatred Dissipates…
Ilang araw makalipas kong isulat ang entry na ‘Broken‘, muli akong nagbukas ng friendster. Binisita ko ang profile na ipinagngingitngit ko. Wala na ang dating larawan na tinawag kong basura. pero may bago sa private photos. Humingi ako ng access at pinalitan ko ang message. Sumkinda like this ang nilagay ko "Wow mukhang malinis na a. Saan mo naman itinago ang basura mo ngayon? Sa private photos?" Inis pa din ako pero mas kalmado na kesa nung una. Naisipan kong maghanap ng HATE quotes para sa shoot out ko. Sa lahat ng nabuksan kong webpage, nadale ako. Sapul!
I shall never permit myself to stoop so low as to hate any man.
Author: Booker T. Washington
Hatred is self-punishment.
Author: Hosea Ballou
A man who lives, not by what he loves but what he hates, is a sick man.
Author: Archibald Macleish
You cannot hate other people without hating your self.
Author: Oprah Winfrey
Nun ko na-realize na kailangan ko na mag-move on. Kailangan na magpatawad. Pero gaya ng una ko nang sinabi, "forgive" lang; yung "forget", forget it, dahil malayo yun sa hinagap ko. Naisip ko din na wala namang mangyayari kung patuloy akong magagalit. May nakapagsabi din saken na wala akong mapapala, hindi ko na kinakailangan pang makipag-away dahil nasa akin naman sya. Nagpadala ako ng message sa babaeng noon ay tinawag kong slut at whore sa previous entry. Humingi ako ng tawad sa pagsasalita ko ng masama…
Alam mo naman siguro na alam kong ikaw ang nagbukas ng friendster ni *toot* at ikaw din nag upload ng photos mo dun, inamin mo naman yun sa kanya di ba? Hindi na ‘ko galit, imagine-in mo na lang na sinasabi ko to sayo in a calm tone. Kaya kita minessage kasi gusto ko mag-sorry for being mean to you. Siguro naman alam mo sinasabi ko, nag-iwan ako ng comment sa profile ni *toot* na alam kong mababasa mo pag binuksan mo ule. Normally, hindi ako ganun. Parang si *toot*, as much as possible I try to be nice to everyone. Pero kasi dun sa nagawa mo, sadya man o hindi, pumutok ang fuse ko. Nabastusan ako, naoffend, nagalit. Hindi ako nakapag-vent out agad ng galit ko kaya meron pang aftermath and I was able to say some bad things nung pagbukas ko ng friendster ni *toot* e nandun pa din. I’ve been hating you, until I came across some hate quotes. Narealize ko na burden lang saken if I continuously despise you. Ayoko din ng ganung pakiramdam. Siguro nung time na ginawa mo yun, nagulo relationship namen, pero maayos naman na kame ngayon and I hope it stays that way. This will be the first and last time that you’ll hear from me. Wala na kong galit, wala na kong sama ng loob. I sincerely hope that you have a happy life. And for whatever its worth, I’m really sorry.
Nakatulong yung pagsusulat ko ng previous entry. Nailabas ko sa mundo ang galit ko, kaya siguro mas naging madali para saken ang magpatawad. Salamat na din sa hate quotes na naging eye-opener para saken.
Ngayon, mas magaan ang loob ko. Wala na yung burden ng hatred. Oo nga sya ang unang nanakit pero may naging pagkakamali din ako at hindi naman nakakamatay ang paghingi ng sorry.
Tungkol naman sa relationship ko, maayos naman na. Mas maayos pa nga ngayon. Iniiwasan ko na din ang paglikot ng kukote ko, tinitigilan ko na ang pag-iisip ng kung anu-anu sa kanya. Napakaraming rason para iwan nya ko, napakadaming bagay na nakakapag-complicate samen pero nandyan pa din sya. Hindi pa din ako binibitawan.
May 26th, 2008 at 1:12 am
huwaahh.. mahirap talaga pag puso na ang involv.. parang si ate le– at si C—-! pero case to case basis naman tayo
June 16th, 2008 at 7:12 am
hahaha! parang blind item ang fill in the blanks mo bakla.